Abante Tonite Interactive

Tetay topic ng Avengers ni Ate Koring

By
4,787

Avengers ni Korina Sanchez-Roxas ang tawag sa mga kasama niya sa group picture na ipinost niya sa Instagram a few days ago.

“Last night was filled with conversations full of the latest chatter, laughter, wit and wisdom,” ang caption niya sa nasabing pic kung saan kasama niya sina Johnny Manahan, Mariole Alberto, Leo Katigbak, Robina & Lisa Gokongwei, Tina Maristela Ocampo, JoAnn Maglipon, atbp.

Pinuri ng netizens si Korina for having great friends at sa hindi nito pagpatol sa isyung sinimulan ni Kris Aquino dahil sa James Yap feature sa Rated K.

“Surround yourself with people who have substance and taste. Class is not bought or attained through inheritance or a fat pay check, you are simply born with it!” ang sabi ng isang nag-comment.

Maraming bumilib sa misis ni Mar Roxas na pinairal nito ang pagiging class at hindi nagreak sa mga hanash at kuda ni Tetay.

Wagi ang mga post ni Ate Koring na ang pala­ging sinasabing mensahe ay stay happy, spread positi­vity, kindness, understanding and love.

Nang magpunta siya nu’ng isang araw sa Mulanay, Quezon para mamigay ng tsinelas at grocery bags sa mga tagaroon, ang ganda ng linya ni Korina sa pinost niyang pic ng dagat na kuha mula sa kanyang chopper ride.

“Seeing things from the bigger picture makes you appreciate everything much better. No wasted time on small things that don’t matter,” bahagi ng makahulugang caption ng batikang broadcaster, na wit sa pagkapatol sa dati nitong co-host sa Morning Girls with Kris & Korina.

Siguradong napag-usapan si Kristeta sa umpukan na ‘yon with Korina and friends, na ang ilan ay open ang pagkadisgusto kay Kris.

Nakakaintriga kung anong mga natalakay sa kanilang masayang hunta­han, lalo pa’t gaya niya ay panay opinionated din ang mga kaibigan ni Korina.

Minsan na naming nakatsikahan si Ate Koring at ang sarap niyang katsismi­san, sa totoo lang!