Abante Tonite Interactive

TF ng Sharon-Gabby movie gustong ipamana kay KC?

By
5,426

May bumulong sa diva that you love. Ang hanash ni impeachable source (IS), may katotohanan nga kaya na itong si Gabby Concepcion, ang special lambing daw sa kanyang ex-wife at Megastar Sharon Cuneta, na sa movie nilang dapat pagtatambalan, ang kanilang respective talent fees, ipamana sa kanilang one and only biological daughter, ang rampadora sa Palawan sa kasulukuyan, si KC Concepcion?

May semblance of truth nga kaya na ang Ate Shawie, hindi pumayag sa nais at nasa ni Concepcion kaya ayun, forever is not enough ang status of the movie na dapat magre-reunite sila. Mea­ning, hindi na ito magagawa at all, ngayon, bukas at magpakailanman.

Dahil nga sa bulong na ito ni IS, gusto ko na talagang manalig na may invisible war na nangyayari sa mag-ina, Sharon versus Kristina Cassandra, over what? Ano ang dahilan? Sino ang dahilan? At bakit kailangang humantong sa ganito, kung may katotohanan nga ang bulong?

Pasaway ba ang dalagang minsan ay minahal si Piolo Pascual, ang lalaking hindi siya ang kailangan? Matigas ba ang ulo ni KC, na minsan ay naglambing at naki­pagmabutihan kay Paulo Avelino? Hindi ba ginagamit ni Kristina ang kanyang isip, pagdating sa romansa at pagmamahal, kaya poot na poot ang kanyang Mega Mother? Just asking.

Ang tanong kanino ba minana ni Concepcion ang pagiging headstrong, independent and woman with a cosmopolitan attitude? Sa tatay niyang forever young o sa nanay niyang ang pangarap na bituin ay pumayat?

Sana, hindi totoo ang rift. At kung meron man, may mamagitan, agad-agad. Lahat naman, pwedeng daanin sa matino at mahinahon na pag-uusapin. Dapat din, privately at kung ano man ang mangyayari sa pag-uusap, nawa’y walang mag-leak sa kahit na anong social media site.

Mystica at Xander riding-in-tandem sa payanig

Isa pang bulong, ito ang bulong na tala­gang muntik magpaunat sa rebellious curls ko. Juice colored! Ang isa sa mga poste sa Cougar Country, ang Reyna Is­plitera at babaing sakdal ingay ang bunganga sa kanyang mga postings sa Facebook, si Mystica may bagong payanig.

Ang kanyang ka-riding-in-tandem sa paandar na ito, ang science project na si Xander Ford! Oh my gulay! Dapat na ba ta­yong magtaka in a major, major way? Ang pagpepenitensya ba, dapat araw-araw na kasi may pagsasamang ganito? Mas marami na bang dapat ipako sa krus kasi nga hindi natin kakayanin ang sosyohang Mystica-Xander?

Luminaw kaya ang Pasig River kung sakaling ang pagsasanib-pwersang ito ay para sa isang pagtatanghal o konsiyerto?

Mawala na kaya sa endangered species list ang Philippine eagle pag ang payanig nila ay isang environmental awareness campaign?

O mag-death by bea­ching kaya ang mga balyena, butanding at lumba-lumba kung ang si Xander na pala ang bagong minamahal ni Mystica? Handa ba tayong may iba­bahagi silang mga labing-labing na mga bidyos? Kakayanin ba, kung sakaling they are in a cougar and cub relationship?

Juice colored! Juice colored talaga? Mga Pulis Pangkalawakan, sobra na, tama na, hindi na namin kakayanin ang ganito!

Sa larawang sila ay magkasama, mukha silang mag-ina. Ang mas nakaka-tumbling pa, parang dating anyo ni Ford, parang bumabalik, huh! ‘Yan ang tunay na takot ako! Hahahaha!

Ryan karibal ni Empoy

Grabe pa rin ang word of mouth para sa pelikulang A Quiet Place kaya hindi ako sure kung ang bagong labas na Pinoy movie, ang Da One That Ghost Away (DOTGA) more chances of winning na sa takilya.

Ang bentahe nito, horror-comedy, summer barkada movie, kung saan ay si Kim Chiu at ang lo­vable Korean import na si Ryan Bang ang mga bida.

‘Pag pumatok ito at ang mga Star Cinema peeps ay nag-laugh their way to the bank, ay push ang estrella ni Bang as a bankable star. Finally, may karibal na si Empoy!

‘Pag nag-under perform naman ito, tiyak, ang major, major sisi, ay kay Kim at ang kapitan of the mo­vie, ang seasoned director, na si Sir Tony Reyes.

Alam naman nating lahat na ang Paolo Ballesteros starrer, ang much hyped Barbie ‘D Wonder Beki, si direk Tony rin ang kapitan. Naunsyami tuloy ang pagiging Millennial Vilma Santos ni Paolo versus the Millennial Nora Aunor na si Vice Ganda.

Nawa’y ito nga ang tamang proyekto para kay Ryan. In these very trying­ times, we need more people like Bang, to bang us with so much fun and laughter.