Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thailand, Malaysia namumuro sa travel restriction

0 36

Pinag-aaralan ng mga eksperto ng Department of Health (DOH) na isama sa listahan ng mga bansang may travel restrictions ang Thailand at Malaysia dahil na rin sa mataas na COVID case ng mga ito.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, ini-report ni Health Secretary Francisco Duque III na tinitingnan na nila ang posibilidad na isama ang nabanggit na mga bansa dahil sa mabilis na pagkalat ng Delta variant.

“Sa kasalukuyan po, ang ating mga expert ay pinag-aaralan kung ang atin pong travel restrictions ay palalawigin natin kasama ang Malaysia at Thailand, Mr. President,” ani Duque.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinakahuling idinagdag sa pitong bansang may travel restrictions dahil sa Delta variant ay ang Indonesia.

Mahigpit na ipinatutupad ng gobyerno ang border control para masigurong hindi makapaminsala sa bansa ang mabagsik na Delta variant. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.