Abante Tonite Interactive

‘The Big One’ sa Metro Manila mangyayari talaga — MMDA

486

Muling pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang 17 local government unit sa Kalakhang Maynila na palakasin ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga kalamidad para mapaghandaan ang pinanga­ngambahang ‘The Big One’ o 7.2 magnitude lindol dulot ng West Valley Fault.

Sa panayam matapos ang pulong ng Metro Manila Council (MMC) nitong Biyernes, sinabi ni MMDA general manager Jose Arturo ‘Jojo’ Garcia na ipinakita sa kanila ng Philippine Institute of Volcanology and Seismo­logy (Phivolcs) ang iba’t ibang scenario na posibleng maganap kapag nagkaroon ng lindol.

“Pinakita rin nila dito na it’s not about if, kung darating ba o matutuloy ba ang big one. It’s a matter of when,” ani Garcia.

Inihayag naman ni Phivolcs officer-in-charge Dr. Renato Solidum na hindi lang mga pamahalaang lokal sa Metro Manila ang dapat na maghanda sakaling magkaroon ng malawakang kalamidad dulot ng lindol kundi maging ang mga karatig probinsya na maaapektuhan nito.

“Masigurado dapat ng mga bayan, ng mga siyudad, na kaya nilang rumesponde on their own initially. Kasi iyung mga magreresponde na identified from the regions, kailangan pa ng oras para makarating,” ani Solidum. (PNA)

Tonite – Wendys Inhouse Ad