Abante Tonite Interactive

‘The Clash Season 2’ grabe ang salpukan

0 357

Nagbabalik ang original musical competition na “The Clash”. Bagong set din ng mga hosts sa pangunguna nina Clash Masters Total Heartthrob Rayver Cruz at Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.

Worldwide ang naganap na “The Clash” auditions para makahanap ng best singers.

Top 64 Clashers ang napili at makikipagsalpukan sa The Clash stage – “Isa laban sa lahat.”

Off-cam and backstage stories of the clashers will be shared by the well-loved tandem of Rita Daniela and Ken Chan as Journey Hosts.

Ang The Clash Panel ay sina Asia’s Nightingale Lani Misalucha, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas.

For Lani, having a good voice is not enough. “‘Yung pipiliin namin ay kung sino ang karapat-dapat maging grand champion. Kung minsan, nagkakasabay na pareho silang mahusay, pero ang iko-consider ko rin is star quality,” aniya.

Christian shared that he is looking for an all-around performer, “All-around performer. Hindi kailangan kang maganda, guwapo, kailangan talaga sa pag-perform mo, mahuli kaming lahat. Dapat may puso kapag kumanta.”

Ai Ai, in turn, is also looking for someone with a “wow factor”. “May mga Clasher na pagpasok pa lang ng stage, commanding na ‘yung presence, tapos kapag kumanta na, mapapa-wow ka talaga. Dapat ‘yung huhulihin niya kami at ‘yung audience sa buong performance niya.”

Who will be proclaimed as “The Clash Season 2” Grand Champion?

Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio. Magsisimula ito sa September 21, every Saturday, 7:00PM, after “Pepito Manaloto”, at every Sunday, 7:40PM, pagkatapos ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” sa GMA-7. (Roldan Castro)