Abante Tonite Interactive

‘The Destroyer’ tumabo ng P5M

0 333

Hindi naging maganda ang 2019 kay Lester Edoc.

Bihira siyang makapasok sa ‘in the money’ (ITM) at medyo matagal siyang hindi nakapasok sa final table ng malalaking events.

Pero agad niyang tinapos ang kamalasan pagpasok ng 2020 sa pagkopo ng titulo at P5,222,000 sa katatapos na Manila Red Dragon Super High Roller Event sa Okada.

Kasama niyang nakapasok sa final table ng nasabing event ang kababayang si Florencio Campomanes na isa sa mga breakout player sa nakalipas na taon.

Si Campomanes ang kampeon sa 2019 APPT Main Event kung saan nakapagbulsa siya ng P11,092,500.

Habang isinusulat natin ito ay nasa kontensiyon pa si Campomanes sa Red Dragon Main Event at siya ang bukod tanging Pinoy na nakapasok sa final table.

Medyo maalat naman ang laro ng top player natin na si Mike Takayama dahil maaga itong na-eliminate sa mga sinalihang event.

Ang Red Dragon Event ang isa sa mga pinakaprestihiyosong poker series sa Asya.

Ito ang unang beses na ginawa ito sa Pilipinas at hindi naman nabigo ang mga organizer sa pagpili sa ating bansa bilang host dahil dinumog ito ng mga player.

Sa katunayan ay mahigit P64 milyon ang inabot ng prize pool sa Main Event. Dapat sana ay P50 milyon lang ang guaranteed prize dito.
Sa susunod nating kolum ay ibabahagi ko sa inyo ang resulta ng Main Event.

Kasama ni Campomanes sa final table sina Xijie Sun, Zejin Shen, Yufei Hui, Andres Korn, Tetsuro Tomita, Gerardo Lubas, Martin Stausholm at Tao Chen.

Pangalawa sa chip count si Campomanes sa hawak na 3,305,000 pero medyo malaki ang lamang ng chip leader na si Sun na merong 6,550,000.