Abante Tonite Interactive

The Gong Yoo Theater nagbukas sa Hongkong

0 166

tonite-annyeong-rose-garcia

Ikatutuwa ng mga tagahanga ng South Korean actor na si Gong Yoo ang lumabas na balita ngayon sa ilang Korean entertainment news site.

Pagkatapos ng huling proyekto niya na Goblin noong January 2017, halos dalawang taon din itong namahinga. Hindi siya tumanggap ng kahit anong K-drama at pelikula.

Pero ngayon ay game siyang bumalik sa pag-arte.

May gagawin siyang isang Korean film na may wor­king title na “Seo Bok”. Ang director ng movie ay si Lee Yong Joo. Kilala ito sa 2012 hit romance Korean film na “Architecture 101”.

Nasa proseso pa ang movie. Binubuo pa ang casting. Pagpasok ng taong 2019 ay sisimulan na ang filming.

Kung matatandaan, hindi lamang sa K-drama na Goblin muling umingay ang popularidad ni Gong Yoo. Pinag-usapan din ang pelikula niyang “Train to Busan” na nag-hit internationally.

Sa isang banda, noong isang buwan ay nagbukas ang “The Gong Yoo Theater” sa CGV Cinemas D2 Place, Hongkong. Si Gong Yoo ang kauna-unahang Korean celebrity na binigyan ng ganitong parangal.

Ito’y dahil sa tulong daw niya through his hit movies na mas mag-increase ang awareness ng Korean cinema abroad.

Ayon naman sa actor, “Congratulations and thank you for the ‘Gong Yoo Theater’ in CGV Cinemas D2 Place in Hong Kong. It’s an honor as an actor to contribute to such a meaningful project.­

Through this opportunity, I hope that many films will be exchanged in Hong Kong.”