Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ nilampaso ang mga katapat

0 216

NI: ROLDAN CASTRO

Nangibabaw sa ratings at pinag-usapan nang husto ang ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ na palabas nu’ng Sabado. Pinangunahan ito ni GMA News and Public Affairs pillar Jessica Soho.

Most-watched TV program ito noong weekend matapos itong makakuha ng 16.2 percent people ratings base sa Nielsen Phils. TV Audience Measurement overnight Urban Philippines data. Ang mga katapat nito ay nakakuha lamang ng 2.1 percent at 1.3 percent.

Naging mainit na usapin din ang ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ online. Ang opisyal na hashtag nito (#JessicaSohoInterviews) ay nanguna sa trending topics ng Twitter hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo. Nanatili itong top trending topic sa Pilipinas hanggang Linggo at muling pumasok sa listahan noong Lunes ng umaga.

Sa Facebook, pumalo sa higit 4.1 milyong ang naging engagement nito habang may mahigit 3.6 million views ang livestream nito sa iba’t ibang GMA channels at pages. Humatak din ito ng libu-libong viewers sa Tiktok.

Nanguna rin ang livestream nito sa YouTube at nitong Enero 26, may higit 6 milyong views na ang nasabing video. Top trending video rin ito sa platform pagkatapos ng livestream nito.

SM food to go Banner Ad

Umani rin ng magagandang reviews ang nasabing TV special .

Sa Twitter, pinapurihan ni Richard Bolisay (@richardbolisay) si Soho at ang research team sa likod ng special: “Tinde ng research team ng #JessicaSohoInterviews!!!! Jessica Soho for Pulitzer Prize in Journalism!!!! ‘All it took for you to change your [political] stand is a Netflix movie.’ QUOTE OF THE YEAR madam pahingahin mo naman kami.”

Organisado rin daw ang pagtatanong ayon kay Jason Tan Liwag (@jaseybel): “Kudos rin to the #JessicaSohoInterviews team for not only the well-researched questions but also the order these questions are asked. They create escalating stakes and expose deeper inconsistencies. No politician must be left unchallenged after tonight.”

Say naman ni @richardmz13: “Jessica Soho and her team set a high standard for future presidential interviews & debates. This is just the beginning so the Filipino people should keep on monitoring and listening ’cause 2022 can MAKE or BREAK us. #JessicaSohoInterviews.”

Inimbitahan ng ‘The Jessica Soho Presidential Interviews’ ang limang nangungunang presidential aspirants base sa latest surveys. Apat ang tumanggap ng imbitasyon: Isa na diyan ay si Senator Panfilo “Ping”Lacson.

Leave A Reply

Your email address will not be published.