Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘The Kraken’ laging gutom

0 391

Kinumpara ni six-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa isang video game ang kanyang pagbabalik-hardcourt.

Makikita sa social media account ng 31-anyos, tubong Campostela, Cebu at 6-10 sentro ng Beermen, na tutuparin niya ang kanyang pagbangon sa 46th PBA season simula sa Philippine Cup sa June makaraang hindi makalaro sa nakaraang taon.

Dahil kilalang gamer, ginamit ni ‘The Kraken’ ang katagang ‘Respawn’ na hango sa mga karakter ng mga laro na ang ibig sabihin ay mabubuhay uli.

“Restart: Respawn.. But be humble and be hungry,” sey Huwebes ng incoming eight-year pro veteran baller na walong championship na sa unang Asia’s play-for-pay hoop.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Todo pakondisyon na simula pa sa nakaraang linggo si Fajardo kasama ang SMB teammates sa Batangas City Sports Center.

Mahigit isang taon ding hindi umaksyon anbg basketbolista nang magka-injury (fractured right tibia) sa tuhod sa team practice noong February 2020.

At dahil hindi makalaro nang mabaldado, naging kasangga na muna ng many-time national cager ang video game sa kanyang pagdo-DOTA.

Pero ipinahayag ni coach Leovino ‘Leo’ Austria na hihinay-hinayin sa pagbabalik ang San Miguel big man. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.