Abante Tonite Interactive

THE MANY FACED GOD

By
12

MATAGAL-TAGAL ding NGANGA at walang ginagawa si Paolo Ballesteros after siyang masuspinde sa Eat Bulaga nu’ng Marso, pero nga­yon ay sumobra naman siya sa pagka-busy.

Nu’ng isang araw ay nag-last shooting day na siya para sa pelikulang Die Beautiful ni Direk Jun Lana.

Kinabukasan ay may shoot naman siya para sa Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend? kasama sina Anne Curtis at Dennis Trillo.

Abante Hiring – IT dep

The next day, nag-shooting na siya para sa aspiring MMFF entry ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 and The Abangers kasama sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Natuwa si Pao na reunited siya with her ‘sisters’ sa kalyeserye na sina Jose at Wally kaya nag-post agad siya ng picture nila sa set.

Buo na naman ang JoWaPao sa big screen.

Next month ay mabubuo na ulit sila sa Eat Bulaga ‘pag bumalik na si Pao as Lola Tidora sa kalyeserye.

Perfect ang naisip na project ni Direk Jun Lana for Paolo na Die Beautiful dahil nagamit niya rito ang ta­lent niya sa makeup transformation.

Ang sabi sa amin ni Pao, ang mujeristang karakter niya na si Trisha ay nasa pito ang makeup transformations sa pelikula.

Nu’ng last shooting day nila na naisipan niyang mag-Facebook Live habang nakatengga sa tent ay naka-Beyonce siya.

Before that ay nag-Lady Gaga siya, nag-Angelina Jolie-Pitt at Julia Roberts, na lahat ay plakadong-plakado niya ang mga fezlak.

Mga pito ‘yon na ang tawag ni Pao ay ‘guest’ sa movie, kaya lang ay pawang tegi version dahil sa istorya, request niya na ayusan siya ng gano’n kapag dead na siya.

Grabe ‘yung ganda ni Paolo ‘pag in character siya.

Ang world-class nu’ng pagkagawa at pagkakarir niya sa makeup at wig ng ginagaya niya, hindi putchu-putchu lang.

Kaya may international site na ang taguri sa kanya ay ‘The Many Faced God’ of makeup transformations dahil sa bonggang talent niya na ‘yon, na ngayon ay maipapakita niya sa big screen.

Sa ginawa niyang FB Live ay nag-live makeup transformation siya from Beyonce to her transwoman character na si Trisha.

Hindi pa alam ni Paolo kung kailan ang showing ng Die Beautiful na ang dami nang excited manood.

Natatawang sey niya sa amin, ang mga la­laki niya sa movie ay sina Luis Alandy at Albie Casino.

Kung mujerista si Trisha, pamhintang durog naman si Benj, ang karakter niya sa Anne-Dennis movie na si Direk Jun din ang direktor.

Hindi namin sure kung straight guy si Pao sa bagong Enteng installment ni Bossing o beki rin ang role niya.