Abante Tonite Interactive

The next one is ours — Standhardinger

By
1,328

May 13.2 seconds na lang sa laro, rumagasa papunta sa kanilang court si Paul Lee.

Lamang ang China 82-80, may pagkakataon ang Pilipinas na tumabla o agawin ang panalo.

Five seconds ang nawala sa game clock, nasa elbow na si Lee, sa labas ng arc. Libre.

Umangat ang Magnolia guard, bumitaw. Maganda ang direksiyon ng bola. ‘Yun lang, tuma­bingi at kumabyos.

Sa sandaling iyon, hindi umepekto ang Leethal Weapon.

Nailing na lang ang Angas ng Tundo.

Tira ‘yun ni Lee, off-the-dribble 3, open pa. Matagal na niyang ginagawa ‘yun sa PBA. Pero minsan, may malas din.

“That’s a shot he hits all the time,” pakli ni Gabe Norwood. “It just didn’t go in.”

Sa kanyang debut bilang miyembro ng Team Pilipinas, pasabog si Jordan Clarkson ng 28 points – 4 for 5 sa labas ng arc sa third – at may eight rebounds, four assists.

Nilista ni Clarkson ang unang puntos niya suot ang Pilipinas jersey sa isang floater mula sa assist ni Stanley Pringle na nagbigay sa Natio­nals ng 5-0 lead. Bago ‘yun, sinubuan ng Fil-Am sa 3-point range si Poy Erram para basagin ang scoring.

Isa pang nakipagpukpukan sa China si San Miguel Beer rookie Christian Standhardinger­ na may 18 points at 8 boards. May 13 sa se­cond half ang Fil-German, huli ang pambasag deadlock na dalawang free throws tungo sa 76-74, 3:09 sa laro.  

 
“We will keep fighting!­ The next one is ours! Thanks for your support!” Tweet ni Standhardinger (@cstandhardinger) pagkatapos.