Abante Tonite Interactive

Thea, nagkumahog kay Alexander Lee

Thea Tolentino
32

KAISA si Thea Tolentino sa Korean drama fans na nagkagulo sa bagong crush ng bayan sa bakuran ng GMA Network.

Nang ipinakilala si Alexander Lee bilang leading man ni Heart Evangelista sa My Korean Jagiya, nagmadali si Thea na kausapin ang crew ng programa ng show para makasilip at makapagpa-picture kasama ang aktor.

Inamin ni Thea na fan siya ni Alexander mula pa noong kasama ito sa Korean boy group na U-Kiss.

Kaya nang makakita ng pagkakataon ay sinunggaban na niya ito!

Kitang-kita ang saya sa mukha niya at kinilig ang dala­ga nang mag-selfie sila.

Nag-comment ang boyfriend ni Thea na si Mikoy Morales sa Instagram post at kyemeng nagseselos ito.

Naaliw ang fans dahil mukhang kahit nagseselos si Mikoy ay suportado niya ang pagfa-fangirl ng girlfriend.

Kung anong lambing at cute ni Thea in real life ay ganoon kamaldita ang kanyang karakter sa Haplos. Dahil sa masama niyang ugali ay pinalayas siya ng kanyang tatay na si Renato.

Kinulam niya ang sariling ama para bigyan ng leksyon. Lumalala na talaga ang ugali ni Lucille (karakter ni Thea).

Paano siya pipigilan ni Angela (Sanya Lopez) sa mga binabalak niya?