Abante Tonite Interactive

Thia naloka sa hirit kay Ruru

0 455

Na-hotseat bigla si Thia Thomalla nang makausap namin ito sa set ng “The Gift” sa may Sta. Mesa, Manila.

Nang sumagot kasi si Thia na kilala niya si Ruru Madrid at friends sila, nagreak ang kasama naming si Tito Joe Barrameda (ng ABANTE Morning) na close kay Ruru at sinabing ang alam niya ay lumabas-labas sina Thia at Ruru before.

Medyo nalerky ang 24-anyos na beauty queen sa hirit ni Tito Joebarr, pero inulit niyang magkaibigan lang sila ni Ruru at hindi raw sila nag-date.

Nagkakilala raw sila after niyang lumaban sa Miss World at nag-guest sila sa “Sunday PinaSaya”, tapos ay friends nila pareho si Michelle Dee.

They went out daw ni Ruru as friends but nothing more than that. At saka matagal na raw ‘yon.

Hindi kasama si Ruru sa mga Kapuso actor na gustong makatrabaho ni Thia dahil magkakilala na raw sila at gusto niya ay iba naman para ibang learnings din.

Mabait at super humble kung i-describe ni Thia ang bida ng “The Gift” na si Alden Richards. Komportable na raw sila sa isa’t isa at good friends na sila nito.

Carlo tatapak sa ‘Eat Bulaga’

Tuloy na tuloy na ang guesting ni Carlo Aquino sa “Eat Bulaga” sa Sabado para sa promo ng movie nila ni Maine Mendoza.

Pinayagan na si Carlo ng ABS-CBN at Star Magic na mag-guest sa “Eat Bulaga” bilang kasali rito si Maine at imposibleng mag-guest ito sa katapat na show na “It’s Showtime.”

Exciting dahil ngayon lang ulit tatapak sa bakuran ng GMA (although nasa APT Studios ang “EB” sa Cainta) si Carlo.

Hindi namin sure kung first time maggi-guest sa Carlo sa “Eat Bulaga” dahil nakagawa rin naman siya before ng ilang shows sa Kapuso network at nakapag-guest din sa ilang programa ng Siyete.

Si Maine ay natupad na ang wish na makapag-guest sa “Tonight with Boy Abunda” at nag-“Magandang Buhay” din siya with Carlo at nag-guest sa MYX.

Shirley na-gong: Ara kabado sa ‘TNT Celebrity Champions’

Kasama pala si Ara Mina sa ‘Tawag ng Tanghalan Celebrity Champions’ ng “It’s Showtime” at ngayong tanghali siya nakatakdang kumanta sa show.

Dayalog sa amin ni Ara, medyo kabado siya dahil na-gong ang dating kasamahan niya sa “That’s Entertainment” na si Shirley Fuentes nu’ng Martes.

Nawala sa tono at nakalimutan ni Shirley ang lyrics nang ibirit nito ang “Luha” ng Aegis kaya ito ang unang celebrity contender na nakatikim ng malakas na gong.

Hindi nakasama si Ara sa mga ipinakilalang celebs na kasali sa ‘TNT Celerity Champions’ ng “It’s Showtime” dahil nasa Macau siya nu’ng time na ‘yon.

Ang madalas awitin ni Ara na “My Immortal” ng Evanescence ang panlaban niyang song today, na ang sabi niya sa amin ay, “Bahala na si Lord!”

May bagong show si Ara na “Bela Bandida” para sa Sari-Sari Channel.

Kasama rin siya sa cast ng Sarah Geronimo movie na “Unforgettable” na sa October 23 ang showing sa mga sinehan.