Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thia seksing sekyu

0 699

NI: ROLDAN CASTRO

Kakaiba ang karakter na gagampanan ni Thia Thomalla sa kanyang bagong serye. Palaban at seksing jaguar ang role niya sa ‘First Yaya’ dahil miyembro siya ng Presidential Security Team.

Aminado si Thia na challenging ang papel na PSG Val Canete lalo pa at malayo ito sa kaniyang personalidad. Hindi pa rin niya ito nagagawa sa kaniyang previous roles.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, “There was only one time na nag-Zoom kami ng mga PSG, nag-usap kami kung ano ang mga dos and don’ts, pati ’yung mga research namin. Medyo nahirapan din ako … but I’m really happy with the role,” deklara niya.

“I hope na ma-enjoy ninyo ang scene namin kasi sobrang nag-enjoy kami and sana ma-justify namin ’yun,’ lahad pa ng dating beauty queen.

Magsisimula ang ‘First Yaya’ ngayong Lunes (March 15) sa GMA Telebabad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.