Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thibodeau waging Coach of the Year

0 150

Si Tom Thibodeau ng New York ang 75th NBA 2020-21 Coach of the Year.

Itinaas ni Thib ang pangalawa niyang COY award nitong Lunes isang dekada matapos kubrahin ang una.

Sa botohan, naungusan niya ng 11 points si Monty Williams ng Phoenix Suns. Pumangatlo si Quin Snyder ng Utah Jazz.

“Any time you get an award like this, I’m obviously honored, but it’s more a reflection of our group and our organization,” aniya sa Inside the NBA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang nakuha ni Thibodeau ang award noong 2011 habang nasa Chicago pa sa panahon nina Derrick Rose at Taj Gibson – dalawang veteran mentors na ng Knicks squad ngayon.

Tumalon ng plus-20 ang win-record ng Knicks (41-32) ngayong season kumpara noong nakaraan.

Pangunahing pamato ni Thibodeau si Julius Randle kaya nakabalik sa playoffs ang Knicks. Ang team na hinulaang papunta sa lottery ng draft, naging No. 4 sa East bagama’t pina-exit agad sa first round ng Atlanta.

Sa ilalim ni Thibodeau, naging Most Improved Player ng season si Randle. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.