Abante Tonite Interactive

“Think before you click”

By
263

Job well done Ambassador Renato Villa. Welcome home Sir.

Balik sa ‘home office’ ngayon si Ambassador Villa matapos ideklarang ‘persona non grata’ ng bansang Kuwait resulta ng pagsagip sa mga OFW na minamaltrato ng mga among Kuwaiti.

Tama lang ang ginawa ni Ambasador Villa na iligtas ang mga Pinoy na nalalagay sa panganib.

Una sa lahat, ang misyon ng embahada ng Pilipinas saan mang bahagi ng daigdig ay iligtas at tulungan ng mga Pinoy na nangangailangan ng tulong.

***

Sa mga ‘spy movie’ mapapanood ang mga ‘overt at covert operations’ sa pag-rescue ng mga ‘consular officials’ sa kanilang mga kababayan na naiipit sa panganib.

Tanggap ito ‘unofficially’ ng ‘host country’ dahil mayroong tinatawag na ‘backdoor channelling o negotiation.’

Okay lang ang ginawa ng grupo ni Ambassador Villa, at maaring palampasin ng bansang Kuwait, subalit naiba ang sitwasyon ng mag-viral ito sa social media. Hindi ito matatanggap ng Kuwaiti government, dahil napahiya sila sa buong mundo.

Nalagay sa nakahihiyang sitwasyon ang gobyerno ng Kuwait dahil isang “law enforcement activity” ang naganap sa kanilang bakuran na ang mga nag-operate ay dayuhang gobyerno.

Nabunyag ito sa buong daigdig at sa tungko ng kanilang mga ilong ay pinasok ng dayuhan ang bahay ng kanilang mamamayan.

Kung hindi ito nag-viral sa social media ay maaring naiwasan ang paglala ng sitwasyon ng relasyon sa pagitan ng Kuwait at Pilipinas.

Kung sino man ang nasa likod ng pag-upload sa internet ng rescue oper­ation sa mga distressed OFW ay dapat managot.

Maganda man ang intensiyon, hindi ito nakatulong.

Bagkus inilagay sa panganib ang buhay ng mga Filipinong nanatili pa sa Kuwait.

Nakalimutan ng mga nag-upload ang pangunahing rule: “think before you click.”

***

Sa dami ng mga Filipinong walang trabaho, inihayag ng Malacañang na pinag-aaralan ng gobyerno ang pagkuha ng mga dayuhang manggagawa para sa tinatawag na ‘Build, Build, Build Program ng admi­nistrasyong Duterte.

Ito ay kung kakapusin ng mga ‘skilled at construction workers’ ang Pilipinas.

Nasaan ang mga ­ma­ng­gagawang ito?

Karamihan ay nasa labas ng bansa. Ang kanilang karanasan at talino ay malabo ng mapapakinabangan sa ngayon lalo na kung maganda ang kita.

Malaki nga kita, malayo naman sa pamilya.

Nakalulungkot na katotohanan, ang da­ming Pilipino ang walang trabaho, may plano pa ang gobyerno na kumuha ng mga dayuhang obrero.