Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Think like a dog’ pampamilya

0 323

Dear Parents:

May bagong palabas sa Netflix na tiyak magugustuhan ng buong pamilya – “Think Like a Dog”!

Ang kwento ng pelikulang ito ay tungkol sa isang batang genius na si Oliver at ang kanyang imbensyon: isang gadget na nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na marinig ang mga saloobin ng kanyang asong si Henry!

Dahil sa teknolohiyang ito, naging adventure ang buhay nina Oliver at Henry. Nagkaroon sila ng lakas para ayusin ang mga problema ng pamilya nila at harapin ang mga bully sa buhay nila.

Ang American child actor na si Gabriel Bateman ang gumanap bilang Oliver at ang asong si Jayce, isang super-cute na Labradoodle dog, ay si Henry!

Sa mga fans ng Transformers franchise, matutuwa kayo dahil ang dalawang bida sa dating Transformer movies – sina Josh Duhamel at Megan Fox – ang gumanap bilang mga magulang ni Oliver.

Family-friendly ang pelikulang ito pero konting babala sa mga parents na maselan sa ‘toilet humor’; ang palabas na ito ay may mga ‘butt, poop at fart jokes’. Gayunpaman, may matututunang values pa rin ang ating mga anak sa palabas na ito.

Una ay ang pagtrato natin sa mga pets bilang miyembro ng pamilya. Sa palabas na ito, binibigyang pansin ang mga katangian ng aso – na sila ay mga nilalang ng Diyos na matatalino at may damdamin at saloobin. Marunong silang makipag-communicate sa atin.

Ang isa pang value na maliwanag sa “Think Like a Dog” ay ang kahalagahan ng pamilya. Bagaman malapit na mag-divorce ang mga magulang ni Oliver, may sikretong plano ang batang lalaki (at ang kanyang aso) na ayusin ang reslasyon ng dalawa. Nagtagumpay ba sila? Panoorin niyo nalang ang palabas!

Bagaman sensitibo ang paksang divorce, magandang ‘point of discussion’ ito para sa mga magulang at anak.

Ang isa pang highlight sa palabas na ito ay ang value of education! Alam po natin na isa mga pangunahing pangarap nating lahat para sa ating mga anak ay ang mataas na level of education. Sa pelikulang ito, dahil isang “child-inventor” si Henry, ma-eenganyo ang inyong anak na magkaroon ng interes sa mga agham.

Last but not the least, ang pinaka-importanteng value na mapupulot ng ating mga anak (pati na rin tayong mga parents) sa “Think Like a Dog” ay ang simpleng pag-iisip ng aso na magagaya natin: ang pagiging masayahin sa kahit anong sitwasyon!

My score: 3.5 over 5 stars ang “Think Like a Dog”! Pawfect for the whole family!

Woofingly yours,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.