Abante Tonite Interactive

Third wheel sa KathNiel lumutang

0 556

Talagang na-miss ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isa’t isa. Sinulit nila ang panahon matapos ang mahabang pagkakahiwalay nila. Nag-shooting kasi si Kathryn ng pelikulang “Hello, Love, Goodbye” katambal si Alden Richards.

Ibinahagi ni Kathryn ang lara­wan nila ni Daniel na nagde-date kasama ang kaibigan na si Dominic Roque.

Enjoy silang kumakain sa isang Japanese restaurant. Caption ni Kath sa larawan, “Dinner date with our forever third wheel.”

Dahil malapit sa couple si Dominic ay isinama na nila ito. Matagal na rin silang magkakaibigan at madalas na nagkakasama sa tuwing may outing silang magbabarkada. (Ronaline Avecilla)