Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thirdy, Juan, Jamie papataasan ng lipad

0 215

Pataasan ng lipad sina former UAAP stars Thirdy Ravena ng Ateneo, Juan Gomez de Liano ng UP at Jamie Malonzo ng De La Salle sa ‘Home Jam: Dunkers Only’ ng ABS-CBN Sports.

Mapapanood ang tatlong high flyers sa live streaming sa Facebook at Instagram accounts ng network ngayong Sabado ng 2 pm. Katuwaan lang ang event, bragging rights ang taya.

Dahil may quarantine pa, nasa magkakaibang location ang tatlo.Si Ravena ay pa-B.League ng Japan na, si De Liano sa MPBL at si Malonzo ay sa PDA D-League.

Tatlong rounds din ng dunks ang pakakawalan, dedesisyunan ang winner ng dunk-off nina dating FIBA 3×3 Under-18 dunk champion Kobe Paras ng Fighting Maroons, at dating NCAA champion mula San Beda na si Robert Bolick ng NorthPort Batang Pier.

Si NU Bulldog Shaun Ildefonso ang host ng kumpetisyon. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.