Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thirdy kinokondisyon ni Paul

0 354

Learn from the expert!

Ito ang tila isa sa mga pampa-alas ni basketball phenom Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III sa natitira niyang oras sa ‘Pinas bago sumabak sa 5th B.League 2020-21 sa darating na Sabado, Oktubre 3 sa Hamamatsu Arena sa Szhizuoka, Japan, sa pagpapakondisyon ito kasama si Philippine Basketball Association (PBA) star Paul John Lee.

Sa Instagram story kahapon ng ng three-time University Athletic Association of the Philippines (UAAP) champion, kasama niya ang ‘Angas ng Tondo’ sa isang private court para sa isang training session.

“Kundisyon,” caption ng former Ateneo star Thirdy sa IG story. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.