Abante Tonite Interactive

Thirdy namigay ng sapatos, Maraño umakyat sa Mt. Samat

389

Sinamantala ng ilang atleta ang mahabang bakasyon kasabay ng paggunita ng marami sa Semana Santa.

Nagtungo sa Malapascua Island sa Cebu ang Ateneo de Manila star na si Thirdy Ra­vena para magbakasyon at makipaglaro sa mga taga-roon.

Sa video na pinost ni Ravena sa kanyang In­stagram account, binigay niya sa isa mga naging kakampi niya ang sapatos na kanyang suot dahil na na-inspired ito sa dedikasyon nito sa paglalaro.

“Was inspired by my teammate Jay-R with how hard he played. Nakapaa pa siya sa lagay na ‘yan. He had no excuses. So I gave him the gear that I brought with me and told him to keep balling out so he can play in Manila and chase his dreams,” bahagi ng post ni Ravena.

Nagpaka-adventu­rous naman si F2 Logistic ace player at national team captain Aby Maraño ng umakyat ito sa Mt. Samat sa Bataan nitong Biyernes Santo.

Sa Twitter post ni Marano, walang mababakas na pagod dito at nakapostura pa rin na nagpakuha ng litrato sa malaking dambana roon.

“GOOD FRIDAY, worth it ang pag-ak­yat sa bundok for this,” tweet ni Maraño. (Fergus E. Josue, Jr.)