Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thirdy, NeoPhoenix binutata si Durham

0 313

Muling nagwagi sina Thirdy Ravena at ang team nitong San-En NeoPhoenix matapos talunin ang Niigata Albirex BB, 85-81, kahapon sa Toyohashi City General Gymnasium sa Japan B.League.

Tumapos si Ravena ng 11 points, 2 rebounds at 1 assist para tulungan ang koponan sa kanilang ikatling dikit na panalo.

Namuno sa NeoPhoenix sina import Kyle Hunt at Stevan Jelovac na may 17 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, para pabagsakin ang koponan ni former PBA import Allen Durham na Niigata.

Kumamada si Durham ng 14 markers, 9 boards at 5 dimes.

Angat ang NeoPhoenix sa 5-17 kartada habang hawak ng Niigata ang 6-16 win-loss card. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.