Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thirdy, NeoPhoenix rumesbak sa Robots

0 124

DINEMOLIS ni Thirdy Ravena at ng San-En Neohoenix ang Ibaraki Robots 83-66 upang bawian ang koponan sa 2021-2022 sa Japan B.League, Linggo sa Kamisu Disaster Prevention Arena.

Nanguna sa opensa ng NeoPhoenix si Elias Harris na kumana ng 21 points, Justin Knox na may 14 markers at Tsuya Ichikyu na kumubra ng 11 points.

Nag-ambag si Ravena ng pitong puntos, pitong rebounds, at anim na assists para sa koponan.

Matapos ang dikitang opening quarter, uminit ang opensa ng NeoPhoenix sa ikalawang yugto at tinambakan ang Robots ng 16 puntos, 45-29, sa 2:09 mark.

SM food to go Banner Ad

Sa ikatlong yugto, pinalobi ni Ravena ang bentahe ng San-En sa 20 puntos, 61-41.

Balik sa win-column ang NeoPhoenix na may 3-5 win-loss record habang baba sa 1-7 ang Robots.

Sunod na makakabangga ng NeoPhoenix ang Nagoya Diamond Dolphins sa Miyerkoles. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.