Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thirdy pasiklab sa mga Hapones

0 272

Wagi sa ulang laro bilang import si three-time UAAP champion at Finals MVP na si Thirdy Ravena matapos akayin ang koponang San-En NeoPhoenix sa Japan B.League kahapon kontra Shiname Susanoo Magic, 83-82, sa Yogano Industrial Gymnasium sa Tottori.

Pasabog ng walong puntos si Thirdy sa loob lamang ng fourth quarter para kumpletuhin ang nilistang 13 points kasama pa ang tig-2 rebounds at assists.

Magandang simula naman ito sa kanyang karera sa Japan dahil ito ang debut game niya at nakapagbigay agad siya ng panalo para sa koponan.

Angat sa 2-9 ang kanilang kartada na nagdadala sa kanila sa 18th rank ng liga. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.