Abante Tonite Interactive

Thirdy Ravena, Blue Eagles tututukan ang korona

By
405

Mga Laro Ngayon:
MOA arena
12:00 pm – Opening Cere­mony
2:00 pm – UP vs UE
4:00 PM – UST vs NU

Sinasabing pinakamalaki ang tsansa para sa korona ang defending champions Ateneo de Manila University Blue Eagles kung pagbabasehan ang kanilang mga nilahukang pre-season tournament.

Sa FilOil Flying V preseason Cup, walang nakatalo sa Blue Eagles upang maiuwi ang kampeonato. Pagkatapos nito ay naglaro naman sila sa 2018 Jones Cup kung saan pumang-apat sila laban sa mga koponan ng ibang bansa.

Magbabalik pa rin sina Thirdy Ravena, Anton Asistio, Adrian Wong, Jolo Mendoza, Matt and Mike Nieto at Raffy Verano.

Pangungunahan pa rin sila ni dating Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin kaya naman siguradong mahihirapan ang ibang teams sa kanila.

Una nilang makalalaban ang Adamson University Soaring Falcons sa Linggo, Setyembre 9, sa Mall of Asia Arena sa Season 81 ng UAAP na opisyal na magbubukas Sabado, Setyembre 8.