Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thirdy, San-En taob sa Akita

0 69

MULING yumuko ang San-En NeoPhoenix ni Thirdy Ravena, kinapos sa mas agresibong Akita Northern Happinets, 89-79, kagabi sa Japan B.League sa CNA Akita Arena.

Nanguna para sa Akita si Alex Davis sa kinamadang 17 points, 5 rebounds, 3 blocks, 2 assists at 2 steals upang pabagsakin muli ang San-En NeoPhoenix.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naging sapat ang pinasiklab na 9 markers, 2 boards at 1 assist ni three-time UAAP champion Thirdy para ibawi ang masaklap na pagkakatalo nila nitong nakaraang linggo kontra ex-PBA import Allen Durham.

Sa ngayon ay hawak ng NeoPhoenix ang 5-19 win loss record habang ang Akita naman ay umangat sa 15-9. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.