Abante Tonite Interactive

Thirdy umay na sa kambal na Nieto

430

Sawa ng makasama ni basketball star Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ang magkapatid na Matthew ‘Matt’ at Michael ‘Mike’ Nieto.

Ito ang ibinahagi miya kahapon sa kanyang Instagram na may throwback pictures pang kasama.

Simula grade school, high school at hanggang college ay teammates na ang tatlo na naglalaro para sa Ateneo de Manila.

“Literally been teammates with this dude and @realmattnieto5 for more than half of my life! Sawa na ko sa inyo @bigmikenieto !!!” caption ni Ravena.

Nagtagumpay rin ang tatlo sa huling taon sa nasabing Quezon City university nang masungkit ng Blue Eagles ang kanilang three-peat championship sa UAAP Season 82.

Pinangaralan rin ng Ateneo Grade School ang tatlo nitong Pebrero matapos magkaroon ng jersey retirement ceremony para sa kanila.

Magkasama sa national team Gilas sina Thirdy at Mike habang nasa Gilas Cadet pool si Mike. (JAT)