Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thirdy yayo ni Scarlet Snow

0 207

BUKOD sa talento sa pagbaba-basketball ni three-time UAAP champion Thirdy Ravena, patok rin ito sa pakikipaglaro at pag-aalaga ng bata.

Sa Instagram story ni Belo Medical Group CEO Vicki Belo ay pinasilip nito kung paano inaalagaan ni 23-anyos cager Thirdy ang anak niyang si Scarlet Snow.

“Scarlet’s so excited because she has new playmates today,” caption sa nasabing IG Story.

At dahil eksperto sa basketbol ang Ateneo Blue Eagle star, nagpakita rin ito ng simpleng ball tricks sa bagong kalaro na ikinaaliw naman ng unica hija nina Vicki at Hayden Kho.

‘Di naman nagpadaig ang 5-anyos na paslit na si Scarlet nang tugtugan nito ang basketbolista gamit ang kanyang small piano.

Kamakailan lang ay naging laman ng balita si Thirdy nang kuhanin siya ng Japanese ballclub na San-En Neo Phoenix bilang import. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.