Abante Tonite Interactive

Thomas Edison takot sa dilim

31

Naniniwala ang mga Hindus ng India noong unang panahon na ang Earth ay isang malaking mangkok kaya ‘di natatapon ang mga tubig sa karagatan at ito’y hawak ng isang dambuhalang ele­panteng nakatayo sa mahabang poste.

***

Ang toilet flush ay i­nimbento ni Thomas Crapper noong 1884.

***

Ang pamosong pintor na si Vincent Van Gogh ay isang beses lang nakapag-benta ng kanyang obra noong siya’y nabubuhay pa at ito’y sa kanyang kapatid.

***

Isang Japanese explo­rer ang unang taong nakarating sa North Pole noong April 29, 1978 nang nag-iisa, siya ay si Maomi Uemura matapos ang walong linggong paglalakbay.

***

Ang sikat na baseball player na si Babe Ruth ay naglalagay ng dahon ng repolyo sa ilalim ng kanyang sombrero para lumamig ang pakiramdam.

***

Alam niyo bang pinaniniwalaan noon ng mga Egyptians na ang mundo ay hugis parihaba at nakatuntong sa apat na higanteng poste. Binalaan din nila ang mga sailors na huwag maglayag ng malayo upang ‘di mahulog sa hangganan ng parisukat.

Nang malaman ito ng reyna ng England ay agad siyang nagpadala ng 4 na barko para maglayag patungong hilaga, silangan, timog at kanluran suba­lit nabigo silang matunton ang mga poste, kaya kinuwestiyon nila ang teorya ng mga Egyptians at na­ngatwirang maaaring nasa mas malayong bahagi pa ang mga ito.

***

Isang dentista ang imbentor ng electric chair, siya ay si Alfred P. Southwick, na taga-Buffalo, New York.

***

Si Sir Edmund Percival “Ed” Hillary na taga-New Zealand ang unang taong nakaabot sa tuktok ng Mt. Everest at nakabalik nang buhay noong May 29, 1953.

***

Si Thomas Edison na imbentor ng bombilya ay takot sa dilim.

***

Ang salitang ‘DREAMT’ ay ang nag-iisang english word na nagtatapos sa letrang ‘MT.’

***

Ang mata ng ostrich ay mas malaki ang sukat kumpara sa kanyang utak. Kahit maliit ang utak, sila ay kabilang sa mga malalaking uri ng ibon na tumitimbang mula 140 hanggang 290 lbs. Malapit na iniuugnay sa dinosaurs ang ostrich at halos kaparehas ng T-Rex.

***

Bukod tanging ang pating ang isdang kumukurap ang mata. Katulad ng tao ang pating ay may mga matang ka­yang makita ang malalayong bagay at nakakaaninag ng kulay. Mas sensitibo din ng sampung ulit sa liwanag ang mata ng pating kumpara sa tao.