Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thompson buenas sa dyowa

0 177

Maalaga.

Ganyan kasuwerte sa kanyang nobya si Barangay Ginebra San Miguel star Earl Scottie Thompson dahil `hands on’ ito at todo ang suporta sa kanya.

SM food to go Banner Ad

Ngayong palapit na ang aksyon sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 eliminations, ‘di rin nagkandaugaga sa pag-aasikaso at paghahanda ang long-time gf niyang si Pauline Fajardo sa mga dinalang gamit ni Thompson para sa bubble games.

Sa Instagram story nitong Martes ng former National Collegiate Athletic Association (NCAA) standout mula sa Perpetual Help Altas, kitang inatupag ang pag-iimpake ng dalaga sa bultong gamit na binitbit ng 27-year-old, 6-foot-1 shooting guard dahil sa mahigit dalawang buwang pagkulong ng liga sa Clark Freeport, Angeles, Pampanga.

Bagama’t nakasuporta at laging present si Pauline sa mga laro ni Thompson, nagkahiwalay na ngayon sa isa’t isa ang magdyowa dahil limitado lang ang puwedeng pumunta sa bubble kung saan dumating na roon kahapon ang second batch Gin Kings, defending champion San Miguel Beer, Rain or Shine, Alaska Milk, NLEX, NorthPort at Blackwater Bossing. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.