Abante Tonite Interactive

Thompson, Castro, Romeo, Blatche tiyak sa Team ‘Pinas pool

Puwersa!

807

Nakatakdang ilatag ni coach Yeng Guiao ang programa niya sa special meeting kasama ng PBA Board of Governors sa Martes ng susunod na linggo para maumpisahan na agad ang preparasyon ng Team Pilipinas sa susunod na window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Iho-host ng Nationals sa back-to-back games ang Kazakhstan sa Nob. 30, at Iran sa Dis. 3, parehong sa MOA Arena.

Sa meeting sa PBA office sa Libis, Quezon City, inaasahang papangalanan ni Guiao ang mula 18 hanggang 20 players na isasama niya sa pool. Magpe-preside sa meeting si Ricky Vargas ng TNT KaTropa na nabigyan ng bagong one-year extension bilang chairman ng PBA Board.

“Of course, the PBA governors want to know who will be the players in the pool for these players to be notified,” ani Commissioner Willie Marcial. “The board also wants to know the program and the practices.”

Siniguro ni Marcial na kahit sino’ng player na tawagin ni Guiao, ibibigay ng liga.

Break ang PBA Governors’ Cup mula Nob. 17-Dis. 4 para bigyang-daan ang fifth window ng FIBAWC qualifiers.

“It may be pushed to Nov. 19 if we’re to have a playoff game for the last quarterfinal berth,” salo ng commissioner.

Bago ‘yun, ceasefire din muna ang season-ending conference ngayong ­Miyerkoles at Biyernes para sa All Saints Day at All Souls Day. Tatapusin ang elimination round sa double-headers ng Sabado at Linggo.

Tapos na ang FIBA suspensions nina Andray Blatche, Jayson Castro, Terrence Romeo at Troy Rosario, inaasahang kasali na ang mga ito sa pool na karamihan ay mula sa team na isinabak ni Guiao kontra Iran at Qatar sa huling FIBAWC qualifiers window.

Kasama rito sina Christian Standhardinger, Paul Lee, Alex Cabagnot, Gabe Norwood, Scottie Thompson, Poy Erram, Ian Sangalang, Marcio Lassiter, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Beau Belga at Asi Taulava mula sa FIBA squad.

Inaasahang pasok din sa pool sina June Mar Fajardo at Greg Slaughter, dagdag si high school giant Kai Sotto.