Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thompson, Ginebra kakalas

0 80

Clark Smart Giga City – Inumpisahan ng Ginebra ang PBA Philippine Cup sa 4-0, pero sinundan ng dalawang sunod na talo.

Susubukan ng Gin Kings na makawala sa back-to-back losses laban sa San Miguel Beermen sa nightcap mamaya sa Smart 5G-powered AUF Arena.

Galing ang Beer sa 89-82 come-from-behind win laban sa Meralco noong Miyerkoles.

Pinangunahan ni Mo Tautuaa ang balikwas ng SMB sa fourth mula sa 65-52 deficit sa third. Kinamada ng center ang 10 sa kanyang 23 points sa final period at inakbayan ng San Miguel ang Gins sa 4-2 card.

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Tumukod ang Ginebra sa Rain or Shine sa overtime 85-82 noong Martes.

Nagsumite ng 21 pts., 10 rebounds at 5 assists ni Scottie Thompson sa larong ‘yun, may 20 pts., 7 rebs. at 6 asts. si Stanley Pringle. Tumapos din ng double-double si Japeth Aguilar (13 pts., 12 rebs.).

Kaya lang, napuwersa sa 22 turnovers ang Gins – 15 dito ang nailista kina Aguilar (6), Thompson (5) at Pringle (4).

Hindi uubra ‘yun sa San Miguel na nangapital ng 21 points mula sa napuwersang 17 turnovers ng Bolts, 5 dito sa steals ni Chris Ross. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.