Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thompson ginunita lola

0 126

NAMATAY ang lola ni Scottie Thompson noong October pero hindi nakauwi ang 6-foot-1 guard.

Nasa Pampanga bubble na noon si Thompson at ang Ginebra para sa kampanya sa PBA Philippine Cup.

Mahigpit ang patakaran na kapag lumabas ng bubble ay hindi na makakapasok.

Ginawang motibasyon ng 27-year-old Davao native ang emosyonal na balita para pagbutihin ang laro. Para sa kanyang lola.

Nagtuloy sinals ang team. Kinalos ng Gins ang Tropang Giga 4-1 para sikwatin ang bubble championship – unang all-Filipino ng team sapul noong 2007.

Mensahe ni Scottie:

“Lola, kung saan ka man ngayon, para sa’yo ‘to and patuloy mo akong suportahan.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.