Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thompson istrikto sa diyeta

0 226

Hindi lang panay ensayo at pagbubuhat ang inaatupag ni Philippine Basketball Association star Earl Scottie Thompson ng Barangay Ginebra San Miguel, maging sa kinakain bantay-sarado siya.

Madalas ibida ng 27-anyos, 6-1 ang taas na Davaoeño guard sa kanyang social media account ang ginagawang gym workout bilang paghahanda sa parating na 46th Season ng PBA 2021.

Kahit nasa bahay lang, batak na batak pa rin sa workout ng five-time pro league champion.

SM SuperKidsDay Banner Ad

At sobra istrikto ito pagdating sa kanyang diet.

Madalas gulay, itlog at isda ang inihahanda ng fiance niya para sa kanyang lafang pagkatapos mag-ensayo at pagdating naman sa hapunan ay juice o shake na lang ang pagkain ng beteranong basketbolista. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.