Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thompson nangako nang bonggang balik

0 56

Sa Pasko o posibleng mas maaga pa, makakabalik na sa court si Klay Thompson.

Nangako ang Splash Brother ni Stephen Curry na pasabog ang kanyang balik, magte-trending ang Jackie Moon look at headband Klay.

“We goin full Jackie moon this year #klaythompcornershot #lovemesexy,” caption ni Thompson sa photo niya sa Instagram Sbado na kumpleto sa headband, nakasipat sa rim at pormang bibitaw sa sulok.

Dalawang seasons nawala si Thompson dahil sa torn ACL at ruptured Achilles.

Kailangan ng Golden State ang kalibre ni Klay para makabalik sa tuktok ng West. May laro sa Christmas Day ang Warriors laban sa Phoenix Suns.

Si Jackie Moon ang character na ginampanan ni Will Ferrell sa comedy film Semi-Pro na pinalabas noong 2008.

1976 ang setting, hippie ang dating ni Jackie Moon, naka-afro at may makulay na head band na paborito ring isuot ni Thompson. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.