Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thompson natupad ang pangarap

0 382

Pangarap lang noon.

Kasama sa wish list ni PBA star Earl Scottie Thompson ng Barangay Ginebra San Miguel ang mabigyan ng signature shoes.

Inamin ng 27-year-old, 6-foot-1 guard Miyerkoles, na noong bata pa isa na sa ‘dream’ niya ang magkaroon ng sariling sapatos.

“It’s truly amazing to have my own signature shoe,” lahad ng veteran cager. “This is a dream I’ve always had as a kid.”

Nito lang April natupad ang pangarap ng Davaoeño nang bigyan ng sariling shoe line mula sa tatak Pinoy ng sports footwear at apparel na World Balance.

Trending rin online ang pasilip na sapatos ni Thompson na may initials na ‘S’ at ‘T’ pati ang No. 6 jersey niya. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.