Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thompson niladlad esmi

0 85

Bigo mang madepensahan ang korona sa 46th Philippine Basketball Association 2021 PH Cup semi-bubble sa Bacolor, Pampanga, masaya pa rin si Barangay Ginebra San Miguel star Earl Scottie Thompson nang ibahagi sa social media ang unang larawang kasama ang misis.

Isang larawan sa Instagram ang pinost ng 28-anyos at 6-1 ang taas na combo guard kasama si Jinky Thompson na kanyang pinakasalan noong Hunyo sa isang pribadong seremonya.

Nagulantang ang lahat nang magpatali ura-urada basketbolista kay Jinky sa halip sa fiancee niyang si Pauline ‘Pau’ Fajardo na walong taon niyang girlfriend

Maagang umeksit ang No. 8 seed Gin Kings sa all-Pinoy conference nang malugmok sa top seed TNT sa quarterfinals.

Nagarahe si Thompson sa sprained MCL injury sa playoff series. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.