Thompson proud na Mindanaoan

Hindi makakalimutan nina Philippine Basketball Association (PBA) stars Earl Scotte Thompson ng Barangay Ginebra, Jiovani Jalalon ng Magnolia Hotshots, at Baser Amer ng Meralco ang pinagmulan nilang lugar na Mindanao.

Ito ang isinawalat ng tatlong manlalaro kung saan nila hinubog ang kanilang mga talento bago unti-unting umangat sa kolehiyo, tungo sa pambansang koponan at sa kinalalagyang propesyonal na liga.
Ilan lamang sina Thompson, Jalalon at Amer sa mga ipinagmalaking anak ng Mindanao na nangarap, nagsumikap, nag-ambisyon at nahanap ang kanilang daan tungo sa lungsod dahil sa kanilang husay, tiyag at disiplina. (Lito Oredo)