Abante Tonite Interactive

Thompson walang kabog sa Game 5!

1 panalo na lang

By
1,544

Finals Game 6
sa Miyerkoles (MOA Arena)
7 pm – SMB vs. Ginebra

Naputol ang tambakan na trend ng PBA Commissioner’s Cup Finals sa Game 5 kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pero pagkatapos ng 48-minutong dikdikan, naitakas ng Ginebra ang 87-83 panalo para lumamang sa series 3-2 at
lumapit sa kampeonato.

Puwede nang itaas ng Gin Kings ang korona sa Game 6 sa Miyerkoles sa MOA Arena.

Kinamada ni Scottie Thompson ang anim na sunod na puntos sa final minutes para itakas ang Ginebra.

San Miguel naman ang maagang humarabas ng 12-2 lead, pero hindi humiwalay sa kanilang batok ang Ginebra.

Natapos ang first 12 minutes sa manipis na 25-24 edge ng SMB, pagkatapos ng five lead change ay magkabuhol na sa 40-40 sa halftime.

Nambarako si Renaldo Balkman ng 22 points at 11 rebounds sa first half para pangunahan ang Beermen.

Sa kabila ay kalat ang pinanggalingan ng puntos ng Ginebra mula sa 9 ni Justin Brownlee, 8 ni Scottie Thompson at 7 ni Greg Slaughter.

Nagkamada si June Mar Fajardo ng 13 points sa third para sa SMB, pero tumabla pa rin ang Ginebra 66-66 papasok ng fourth.