Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thoss taas-kamay sa pandemya

0 110

TAKOT AKO!

Kung si Jeffrey Cariaso ang tatanungin, hindi pa opisyal na nag-retire si Sonny Thoss.

Umaasa ang Alaska coach na babalik pa ang The Boss, kahit sa susunod na season kapag may vaccine na kontra COVID-19.

“For me, it’s not officially retirement. Although parang ganoon,” aniya. “Kasi we’re hoping na if there’s a vaccine, tapos all-Filipino ang susunod na conference next season, Sonny wants to play one more time. ‘Yun ang pangako niya sa team, sa management.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Philippine Cup ang pambungad na conference ng PBA sa bawat season. Balak bigyan ng Aces ng magandang sendoff ang 38-anyos na 6-foot-7 center na buong 16-year career ay hindi nabaklas ang No. 7 Alaska jersey sa likod.

“One more all-Pinoy, para we can honor him, we can retire his number. ‘Yun ang plano,” dagdag ng tactician.

Itong all-Filipino sana ang huling conference ng Fil-German, pero biglang natigil isang laro pa lang noong March dahil sa coronavirus.

Plano ng liga na ituloy ang torneo sa bubble sa Clark sa October, pero nag-desisyon ang The Boss na huwag nang sumama sa Aces.

“I don’t want to use that word (retirement),” giit ni Cariaso. “Kasi Sonny chose not to play during this bubble. Siya ‘yung nag-decide na ‘pag p’wede na ang small-group workouts, tapos matutuloy na conference natin, hindi maglalaro si Sonny unless there’s a vaccine.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.