Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thoss nagretiro

0 231

Matapos ang makabuluhang 15 taong paglalaro sa Philippine Basketball Association(PBA), pinasya ni Joachim Gunther ‘Sonny’ Thoss ng Alaska Milk, na magretiro na.

Kinumpirma nitong Linggo ni Alaska Milk Aces board of governor at team manager Richard ‘Dickie’ Bachmann ang kaganapan kasabay sa pag-expire ng kontrata ng 38-year-old, 6-foot-7 Fil-German center.

“His contract expired and decided to retire,” matipid na pahayag ni Bachmann sa player na ginugol ang buong pro playing career sa Uytengsu franchise makaraang maging 2004 first round, fifth pick overall.

Sa nilagi sa unang Asia’s play-for-pay hoop, nagkamit si Thoss ng tatlong kampeonato sa Fiesta Cup noong 2007 at 2010, at 2013 Commissioner’s Cup para mag-Finals Most Valuable Player din. Dalawang ulit siyang napabilang sa Mythical First Team, apat sa Mythical Second Team, 2005 All-Rookie Team, 2011 Sportsmanship Award at 12-time All-Star.

Nakapaglaro siya sa national men’s basketball team na kumopo ng mga silver medal sa 2015 Changsha FIBA Asian Championship for Men at 2015 Taiwan Jones Cup. Nag-gold medal ang PH quintet na kasama siya sa 2012 Jomes Cup. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.