Abante Tonite Interactive

Thunderbird Manila Challenge lalarga sa Araneta — Martinez

324

Kumpleto na ang Regional­ 5-Bullstag/Cock Derbies sa kapuluan kaya ready ang pagtatanghal ng 9th Thunderbird 6-Cock All Star Derby 2019 sa Big Dome sa darating na Miyerkoles, Mayo 22.

Ang Thunderbird gamefowl feeds at vetmed ang magpapatuloy ng taunang event na sinimulan noong 2010 sa Isla ng Boracay sa Aklan.

“Ang layunin ay mai-promote ang sabong at local na turismo,” pahayag ni AVP-Marketing Francis Martinez, na tinanawang-balik din ang mga nakaraang edisyon mula Boracay pa-Palawan (2011), Dapitan (2012), Bohol (2013), Ilocos (2014), Davao (2015), Iloilo (2016) at Manila 2018.

Handa na rin para bitawan ang kanilang mga signature bloodline na mga tinale sina 2019 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby champion Engr. Sonny Lagon, muti-awarded Dicky Lim ng Palawan, Nestor Vendivil ng Nueva Ecija, 4-time World Slasher winner Tata Rey Briones ng Masbate, Gov. Eddiebong Plaza ng Agusan del Sur, back-to-back Slasher champ Frank Berin ng Isabela, BNTV Cup’s Joey Sy;

Bakbakan champ Engr. Sonnie Magtibay ng Palawan, Ormoc Gold breeder Bernie Tacoy, Boy Marzo ng La Union, Baham Mitra ng Palawan, Redbull Gamefarm’s Carlos Tumpalan, Bicolano Teng Rañola, Cong. Larry Wacnang ng Kalinga, Bebot Monsanto ng Cebu, atbp.

Ang mga susubok naman sa tibay ng mga Thunderbird national endorser ay ang mga regional champion na sina Don Eikel Ladores, Johnro Galicia, Vasquez Miguel, Dennis Sta. Maria, Edwin Guttierez, Jonathan Diaz, Marvin Gunner, Wiliam Mamba, Sammy Uy Team, Emmanuel Paras, Dianon Raymond at Winston Treyes kasama si Nene Araneta bilang guest participant.

Sa 50 kumpirmadong kalahok, paparada ng 150 sultada rito kung saan ang champion ay mag-uuwi ng Brand new Toyota Hilux Type G, bilang karagdagan sa champion’s cash prize. Ang champion’s handler ay may 1 TMX 125 cc motorcycle, at ang mananari ay may 1 set ng tari sa Ampy Tari shop. (Enjel Manato)