Abante Tonite Interactive

Thunderstorm may epekto sa paranormal activity

By
258

Mga ka-Misteryo, kayo ba ay may nararamdaman o nakikitang gumagalang kaluluwa sa ­inyong lugar o saanman kayo magtungo?

Ito rin ang aking tanong sa mga kilala kong psychic at mga clairvoyant at mismong sila nga ay nakakaranas din ng ganito. Kaya naman pala kahit saan ako mapunta ay tila mas marami ngayon ang gumagalang kaluluwa kesa sa mga pangkaraniwang araw.

Ano nga ba ang dahilan ng ganitong sitwasyon ngayon? Meron bang nabuksan na portal o lagusan ng mga kalu­luwa at espiritu mula sa kabilang buhay? O ‘di man kaya ay marami ang mga pasaway na sumubok maglaro ng Ouija board o Spirit of the Glass na alam ­naman nating sadyang mapa­nganib.

Ang lagi kong paalala at payo sa lahat, “‘wag na ‘wag gagawing laro ang ganitong occult practice o seance dahil mapa­nganib na baka mabuksan ang gate way, portal o pintuan ng kabilang dimensiyon at mapunta dito sa ating pisikal na dimensiyon ang sangka­tutak na mga kaluluwa o espiritu, ang mas matindi ay hindi nating sinasad­yang matawag ang mga demonyo.

Ngayon, kung hindi seance o anumang occult practice ang dahilan ng kaliwa’t kanang pagsulpot ng mga kaluluwa o multo, meron akong natuklasan na posibleng dahilan – ito ay ang kalagayan ng panahon.

Related Posts

Sa artikulong inilathala ng accuweather.com, sinabi ni Pennsylvania Paranormal Association Director Mark Keyes na ang thunderstorms o biglang bagsak ng malakas na ulan at hagupit ng hangin na may kasamang pagkulog at pagkidlat ay dahilan ng matinding paranormal activity.

Ang biglang sulpot at pananalasa ng thunderstorm lalu na ang big­lang guhit ng kidlat sa kala­ngitan ay nagbibigay ng malakas na enerhiya sa mga kaluluwa o multo na gumala nang gu­mala sa ating paligid. Napapansin ito ‘pag biglang kumukutitap ang ilaw sa inyong paligid o kaya ay namamatay ang bater­yang gamit ng inyong mga gadget o anumang gamit sa bahay.

Malaking bagay din na napagkukunan ng ­enerhiya ng mga multo o kaluluwa ay ang kabilugan ng buwan o ‘di man kaya ay pagpapalit ng moon cycle.

‘Pag nakaranas kayo ng presensya o pagpaparamdam ng mga kaluluwa, maaaring mag-alay ng panalangin para sila ay sumalangit o manahimik na sa kabilang buhay.

Para sa ­inyong mga katanu­ngan at suhestyon, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang website: reytsiba­yan.com.