Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Thurman bilib kay Pacman

0 109

Olats man si Keith Thurman kontra ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao noong Hulyo 2019, todo papuri pa rin ito sa Pinoy fighter.

Bilib si ‘One Time’ Thurman kay Pacman dahil kahit may edad ito, kumakasa pa rin ito at walang palag sa mga hamon.

“We’re big. Everything [Pacquiao] does is a challenge. This man loves challenges. That’s what makes him one of the greatest fighters,” pahayag ni 32-anyos American pro-boxer Keith sa ulat ng Boxing Scene. “You hear him constantly say, ‘I want to make a great fight.’ He’s action, action, action.”

Pero kahit saludo at may respeto si Keith sa fighting senator, pabor at manok pa rin nito si Errol Spence Jr. na nakatakdang makipag-upakan kay Pacquiao sa darating na Agosto 21, “I favor Spence,” diretsahang sambit nito. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.