Abante Tonite Interactive

Tiamzon, BanKo Perlas kukubrahin ang bronze

0 102

Pipilitin nina Nicole Anne Tiamzon at ng BanKo Perlas na kunin na ang bronze medal sa muling pakikipagtuos sa Motolite Power Builders­ mamaya sa Game 2 ng battle-for-bronze medal match sa 3rd PVL Open Confe­rence 2019 sa FilOil Flying V Centre.

Sasandalan muli ng Perlas Spikers si Tiamzon matapos ang 13-point output sa Game 1 kamakailan.

Aagapay rin sa opensiba ng BanKo sina Dzi Gervacio at Sue Roces na humataw rin ng tig-11 markers habang toka naman sa depensa si Kathy Bersola na gumawa ng 4 blocks para kolektahin ang 10 points nitong Miyerkoles.

Susubukan naman nina Tots Carlos at Myla Pablo na makahirit ng rubbermatch ng Motolite.

Samantala, asahan rin ang pukpukang laro ng Creamline Cool Smashers at PetroGazz Angels Game 2 ng kanilang best-of-three finals sa alas-6:00 ng gabi.

Angat sa serye ang Cool Smashers, 1-0. ­(Aivan Episcope)