Abante Tonite Interactive

Tiamzon, Chuewulim bumida; BanKo tinoma uliT ang BaliPure

145

Muling pinamuan ni team captain Nicole Ann Tiamzon ang BanKo sa muling pagmumog sa BaliPure, 25-18, 25-19, 25-21, Miyerkoles nang gabi sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 second rounbd eliminations sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Dahil sa panalo nabuhayan pa ng pag-asa ang Perlas Spikers na makahabol sa Final Four sa pagsampa sa 4-5 win-loss record sa seaso-opening conference.

Nagbaon si Tiamzon para sa Perlas Spikers ng 19 puntos, 17 mula sa atake at tig-isang block at service ace.

“Kasi we can’t afford maging complacent. Ang hirap umasa sa panalo or talo ng ibang kalaban. So kailangan namin, kahit ano man yang ibigay sa amin, kailangan namin paghirapan talaga. Whether its fourth place or third place,” litanya ni Tiamzon.

“Like gaya ng lagi kong sinasabi, we all have our own functions inside the court. Kahit sino naman pwede bigyan,” panapos niya.

Katuwang niya sa mas madaling straight sets victory laban sa nilunod na ring Water Defenders sa four sets sa first round sina Thai import Sutadta Chuewulim na umiskor ng 12 at middle blocker Kathy Bersola na may walong puntos.

Nasipa na sa Last Four, lalo pang nabaon ang Water Defenders sa 0-9 mark. May isang laro na lang silang natitira. (Janiel Abby Toralba)