Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tiburcio kampeon sa Singapore chess

0 117

Nakapagbigay ng karangalan sa bansa si Jayson Jacobo Tiburcio mataapos angkinin ang korona sa Holiday Rapid I, June 2022 edition chess championship na ginanap sa Peace Centre sa Singapore kamakailan.

Nagwagi via tiebreak si Tiburcio nang makasalo sa top spot ang kababayang si FM David Elorta na parehong nakapagtala ng 6.5 points sa 20 minutes time control event.

SM food to go Banner Ad

Lumanding naman sa second place si Elorta.

Ang ibang woodpushers na nakapasok sa top 10 ay sina Anthony Chow ng Malaysia (3rd), Fang Tianyang ng China (4th), Vedant Nayudu ng India (5th), Sim En Rui Audelle ng Singapore (6th), Chang Cheng Hwee ng Singapore (7th), Karthikeyan Abhinav ng United States (8th), Lim Fang Yhi ng Malaysia (9th) at Arena FIDE Master Goswami Dhruv ng Singapore (10th). (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.