Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ticket ni Tolentino dinomina eleksiyon

0 122

Nakopo ni Abraham Tolentino ang asam na kumpletong apat na taong mandato bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) sa pagtaob kay Jesus Clint Aranas, 30-22, sa eleksiyon Biyernes sa East Ocean Palace Restaurant sa Parañaque.

Winalis ng ticket ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) head at Cavite Eight District Rep. Tolentino ang halalan sa pagwawagi rin nina Alfredo Panlilio (first vice prexy), Richard Gomez (2nd VP), Cynthia Carrion (treasurer), Joaquin Loyzaga (auditor), Jose Raul Canlas, Pearl Managuelod at David Carter (board members).

SM food to go Banner Ad

Ang nag-iisang lumusot na hindi kagrupo ni Tolentino ay si Charlie Ho na humabol sa board member.

“With this team, definitely, there will be a lot of surprise,” anang mambabatas. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.