Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tiffany game ipaamoy ang panty

0 79

NI: NONIE NICASIO

Isa si Tiffany Grey sa aming guests sa online show na Tonite L na L last Friday, kasama sina katotong Roldan Castro, DJ Malen Dy, at Chuffa Mae Bigornia. Kalog at masarap kahuntahan ang newbie actress na ito.

Si Tiffany ay unang mapapanood sa pelikulang ‘Putahe’ sa Vivamax. Mula kay Direk Roman Perez, ito’y tinatampukan ng mga alaga ni Jojo Veloso na sina Ayanna Misola at Massimo Scofield.

Fall Guy naman ang second movie ni Tiffany, starring Sean de Guzman at mula sa batikang direktor na si Joel Lamangan.

Ang pelikula ay isang social crime drama na istorya ng isang influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Matindi ang cast ng pelikulang ito na prodyus ni Ms. Len Carillo of 3:16 Media Network and John Bryan Diamante of Mentorque Productions.

Gumaganap si Tiffany sa Fall Guy bilang si Monet, ang childhood sweetheart ni Julius (Sean) na nakatira sa squatter area. Sa kanilang pagma-mature ay nagkahiwalay sila, pero isang trahedya ang magiging daan upang muli silang magkasama.

Nagkuwento si Tiffany ukol sa movie nila ni Sean.

“Ako po yung leading lady ni Sean dito, kaso wala po kaming love scene sa movie, ang ginawa namin sa movie, kiss lang po,” aniya.

Ipinahiwatig ng aktres na parang nabitin siya kay Sean.

“Kasi, medyo nag-expect din po ako na may bed scene kami ni Sean sa movie, kumbaga ay ready na ako sa bed scene name,” nakangiting saad pa ni Tiffany.

Nabanggit din ng aktres na okay lang sa kanya kung tumatak sa mga tao bilang isang sexy star.

Sambit niya, “Yes po, kasi alam kong may kakayahan po akong maging sexy star at tiwala po ako sa sarili ko po, kung bibigyan ng opportunity.”

May kaunting Fast Talk din siya at nang nagtanong kami ulit, inusisa namin na sakaling may avid fan siya na gustong hingin ang suot niyang panty, ano ang gagawin niya?

Tumawa muna nang tumawa si Tiffany bago sumagot, “Kung gustong-gusto po niya talaga iyong suot kong panty, eh di tanggapin niya po, kahit na ano pa ang amoy niyan, hahahaha!

“Pero hindi ko naman po ibibigay sa aking fan iyong suot kong panty, ipapaamoy ko lang po sa kanya, hahahaha!”

Nang naka-chat ko pa si Tiffany after ng show, ito pa ang sinabi niya sa amin. “Natutuwa po ako sa pag-guest sa Tonite L na L and natatawa ako… nagpakatotoo lang po ako sa mga sinabi ko kanina, hahahaha!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.