Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Tig-P1.4M! DepEd may 166 bagong kotse

0 158

Habang maraming guro at estudyante ang naghahanap ng paraan para maitawid ang distance learning, natanggap naman ng Department of Education (DepEd) ang bago nitong official vehicle.

Napaulat na binigay ng Mitsubishi Motors Carworld Pampanga sa DepEd ang 166 unit ng Mitsubishi Strada 4×4 GLS MT. Dagdag ang mga ito sa 88 truck na natanggap ng DepEd noong Disyembre 2019.

Ayon sa car website Top Gear Philippines, bawat Strada ay nagkakahalaga ng P1,465,000.

Gagamitin umano ng mga field engineer ng DepEd ang mga bagong pickup sa pagsasagawa nila ng mga inspeksiyon.

“No school division office will be left behind, as we continue to gear up our actions, hold on the wheels of our goals, focus on our vision, and have a safe ride with our mission,” sabi ni DepEd Undersecretary Alain Del Pascua sa isang pahayag. (Riley Cea)

Leave A Reply

Your email address will not be published.